Instead of saying i’ll be on hiatus… on leave na lang.
After this post, hindi muna ako mag mu-multiply, update ng blogs ko, friendster, YM, at kung anu-ano pa.
Aside sa busy ako ngayon sobra dahil nag-eempake kami ng gamit, andami ko ring trabaho dito sa office…
if ever may important message kayo sa akin… email nyo na lang ako sa i_kulit07@yahoo.com
I’ll reply asap. ty!
Tagged by Michelle
3 Things Most People DO NOT KNOW about You.
- I am now a mom
- I am working at Manila Times
- I am sensitive
3 Things Most People THINK THEY KNOW about You.
- Snub
- Mayaman (eh wala nga!)
- Insensitive
3 Things Most People ASK YOU about Yourself.
- Bakit sya ang pinili kong guy?
- Kung balak ko daw bang magpakasal
- Saan ako work
TAGGING: Charl, Aisha, Thinz, Chezka, Xannie and Caille
Im so happy since last night… hehehe. Kasi sabi ni Janis (best ko) meron sya advance birthday gift sa akin…. eh ang birthday ko sa October pa hahaha! Actually alam ko na kung ano yon… bibilhin daw nya not later than next week. Weeeeeeeeeeeeeeee!
Nagtext sya sa akin kagabi, di ko sinagot kasi nahihiya ako.. hehe. Eh tumawag sya ulit ngayon kinulit ako… kaya hayun!
sabi ko kasi sa kanya may pinag-iipunan ako… eh sabi nya sya na daw bibili…. yeba!
Post ko dito kung ano yun pag naandyan na…. sobrang saya ko lang kasi kaya gusto ko i-share.
Thank you best! I love you! MWAHZ!
I miss my best friend… she has been my best since 1st year HS… ang tagal na ano? She is now in NSW, married with a kid (bibo kong inaanak). Hope I will have a chance to chat with her over the phone…. I’ll try to buy a card maybe one payday.
Feeling ko kasi nagtatampo sya sa akin, at di ko pa rin alam kung ano ang puno’t dulo. Maybe yung crib ni bebe… they wer the one kasi who sent the money for my bebe’s crib (bait noh?) yun gift nila… and ninong din kasi hubby nya. Nabili ko yung crib ni Edrick almost four months na sya (ayaw kasi ni mama nung kakapanganak ni Edrick na i-crib na sya agad) .. ang binili ko nga yung playpen na din at the same time, and during that time wala akong work… so I can’t send her some photos… I just hope nababasa nya ito diba?
dati kapag sinabi ko na visit me in this website… anjan sya lagi… now wala… siguro busy?
*sigh*
THIS morning may pinuntahan akong interview sa Makati, for News Editor yung position sa isang news agency na nagpapadala ng news breaks sa mga seafarers.
Sabi kaya nila ibigay yung asking ko na P18K…. actually nung nalaman ko na ang trabaho is 10am to 7pm gusto ko sabihin na dapat yata mas malaki pa ang hingin ko sa kanila… plus the fact na 6days a week din ang trabaho.
Dito sa Manila Times, I am receiving 17K na… 6 days a week din ang work pero hindi naman 9 hours ang trabaho tapos pagtapos na ako aalis na ako.
Kaya nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko pa ba iyon. O dito na lang ako… feeling ko mas ok na ako dito.
Up to now kasi wala pa ako contract dito sa Mla Times, tapos di pa din ako kinakaltasan ng SSS, Philhealth and Pag-ibig. *sigh*
Eh gusto ko na mag loan sa SSS ko! hehehe
Hindi ko sya magamit dahil hindi nga nahuhulugan yung SSS ko ngayon…. gusto ko kasi bumili ng sarili kong digicam… kahit di na lang muna yung pangarap ko na pro!
Ano sa tingin nyo?
On the 7th of July… Philip and I will be celebrating our 10th anniversary and wala pa din akong maisip na gift for him.
Do you have any suggestions? Help naman po.