THIS morning may pinuntahan akong interview sa Makati, for News Editor yung position sa isang news agency na nagpapadala ng news breaks sa mga seafarers.

Sabi kaya nila ibigay yung asking ko na P18K…. actually nung nalaman ko na ang trabaho is 10am to 7pm gusto ko sabihin na dapat yata mas malaki pa ang hingin ko sa kanila… plus the fact na 6days a week din ang trabaho.

Dito sa Manila Times, I am receiving 17K na… 6 days a week din ang work pero hindi naman 9 hours ang trabaho tapos pagtapos na ako aalis na ako.

Kaya nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko pa ba iyon. O dito na lang ako… feeling ko mas ok na ako dito.

Up to now kasi wala pa ako contract dito sa Mla Times, tapos di pa din ako kinakaltasan ng SSS, Philhealth and Pag-ibig. *sigh*

Eh gusto ko na mag loan sa SSS ko! hehehe
Hindi ko sya magamit dahil hindi nga nahuhulugan yung SSS ko ngayon…. gusto ko kasi bumili ng sarili kong digicam… kahit di na lang muna yung pangarap ko na pro!

Ano sa tingin nyo?