I keep on visiting Laine’s and Michelle’s online shops…. I like their goods… lalo na yung mga clothes…. the prices are ok. Parang sa Pinas din lang ako bumili… special delivery pa sa bahay ko… but I can’t buy. Una… payment is through paypal… pangalawa… my savings account is in Peso… so I am not sure if that will fit… pangatlo… since I grew bigger, I am not sure if some of the blouses I like will fits me. *sigh*
I also want to put up an online shop… I’ve got one and one half big boxes of clothes na hindi nanamin ginagamit… mostly nasuot lang once… lalo na yung mga binibigay ko kay Philip… magaganda pa naman ang brand, pero minsan nya lang sinuot kasi nagtabaan kaming dalawa… pero di ko alam kung kaya ko pa asikasuhin yun… hirap maging mommy, wife and career woman…
Nagpunta kami this morning sa Fairview Dahlia… para makita namin yung house kasi sila Daddy pa lang nakakita nun. Syempre namili na rin kami ng kanya-kanyang kuwarto.. pinili ko yung second sa pinakamalaki– Bibili kasi ako ng King size na mattress… para kahit mag round the clock matulog ang baby ko.. eh ok lang. (ang likot kasi)… tapos magpapagawa din ako ng platform nya.. gusto ko kasi parang Japanese type.. para di mahuhulog mula sa mataas na kama si Edrick. Tapos nagustuhan ko yung flooring sa mga rooms… kaya tuloy na pag-hunt ko sa tunnel matt ni Edrick… yeba!
Ang ganda din ng Kusina… ang sarap magluto! Mukhang mahihilig na naman ako magluto! I’ll do that weekly pag off ko— para masaya! This weekend lilipat na kami… bukas (friday) magdadala na doon ng small things. Then sana naman makisama si Haring Araw kahit hanggang Sunday lang para hindi mabasa yung mga furnitures namin… PRAY PRAY PRAY.
Nag change off ako, instead ngayon bukas na lang… para bukas maasikaso ko pag-empake ng damit naming tatlo.. maglalaba din ako parapagdating doon sa Sunday… mag-aayos muna asikasuhin namin. I’ll take pictures pag naayos ko na….. Malayo sya ng konti… pero kung by car halos mas mabilis pa rin byahe ko… kung ihahatid ako kasi hindi naman ako marunong mag drive– hmp! Ang malungkot lang… puro semento doon… wala na kami puno sa garden… *sigh*
Tapos excited na din ako magpasko…. Kasi may work ako ngayon kaya for sure— magastos— hahaha! AKo kasi ang Santa Claus sa family namin… ako humalili sa kuya ko na namatay… (I miss him so!) Fave ko kasi magtayo ng Xmas tree tapos punuin yung baba ng gifts… hehehe. Excited ako kasi Ber month na next month!
Ay naku! ang daldal ko talaga! Yun na lang muna… hahaha!